Thunder, Camelo Anthony, free agent na ba ang kahahantungan?

Thunder, Camelo Anthony, free agent na ba ang kahahantungan?

July 8, 2018 @ 9:13 AM 4 years ago


 

Maghihiwalay na ng landas ang kuponan ng Oklahoma City Thunder at ang forward na si Carmelo Anthony bago magsimula ang susunod na NBA season, ayon sa report at sinabi pang makatitipid ng nasa $100 million ang Thunder sa hakbang na ito.

Mas pinili ni Anthony, 34-anyos na forward mula Brooklyn, ang $27.9 million deal para sa next season kahit alam niyang magiging reserve lang siya na taliwas sa kaniyang gusto.

Bukod sa pagiging four-time Olympian and three-time gold medalist, siya rin ang all-time US scoring at rebounds leader ngunit ang 10-time All-Star ay tila nahirapan noong 15 NBA seasons kung saan hindi siya naglaro sa NBA finals.

Ang averaged career-low ni Anthony ay 16.2 points, 5.8 rebounds and 1.3 assists noong nakaraang season para sa Oklahoma City matapos ang 48-34 na talo nito sa Utah sa unang round palang ng NBA playoffs.

Noong last season din kung saan naglaro sina Thunder stars Russell Westbrook at Paul George ng wala si Anthony, tumaas ng 10 puntos ang kanilang score kumpara sa laro na kasama nila si ‘Melo.

Nagdesisyon naman si George na manatili sa Thunder kaya naman haharapin ng Thunder ang tumataginting na $310 million payroll kung saan sinabi ng isang source sa liga sa report na ito ang magdidikta para sa Thunder trade, buyout o pahabain ang kontrata ni Anthony sa ilalim na NBA cap rules.

Ang ginawang ito ng Thunder ay makababawas ng $107 million para sa susunod na season para sa sweldo at luxury tax total.

Ang sitwasyon na ito ni Anthony ay maaring mapag-uspaan ng mga teams at ibigay siya sa free agency.

Dahil dito, mababawasan sila ng $90 million sa gastusin para sa luxury tax expenses. (Remate News Team)