Thunderstorm advisory inilabas sa Rizal, Laguna at kalapit na mga lugar

Thunderstorm advisory inilabas sa Rizal, Laguna at kalapit na mga lugar

July 21, 2018 @ 9:59 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Sa bagong labas na Thunderstorm Advisory ng PAGASA kaninang alas-9:24 ng umaga, nag-abiso itong makararanas ng malakas na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin dulot ng thunderstorm sa Rizal at Laguna sa susunod na dalawang oras.

Mararanasan din ito sa Metro Manila, particular sa bahagi ng CAMANAVA, Batangas, Quezon, Bataan, BUlacan at Cavite.

Habang mahina hanggang sa katamtamang paminsan-minsang pag-ulan naman ang mararanasan sa Zambales, Tarlac at Pampanga sa susunod na tatlong oras habang ganun din sa Nueva Ecija sa susunod na dalawang oras.
Nagpaalala naman ang PAGASA na manatiling nakatutok sa kanilang weather updates. (Remate News Team)