Ticket prices sa E-heads reunion concert isinapubliko na

Ticket prices sa E-heads reunion concert isinapubliko na

October 4, 2022 @ 10:48 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Finally, hindi na kakabahan ang Eraserheads fans na baka hindi matuloy ang reunion concert ng nasabing banda.

Nilapag na kasi ng E-heads ang ticket prices ng Huling El Bimbo na gaganapin this coming December 22.

Moshpit – P17,260

VIP – P14,619

Platinum – P12,180

Gold – P9,740

Silver – P5,480

Bronze – P3,050

Marami ang na-excite at mukhang magkakaubusan agad ng tickets dahil halos lahat ay abangers sa reunion na ito.

Pero may ibang nagrereklamo, “Taas naman ng presyo, international artist ‘yan?”

Umulan naman nang pagtatanggol sa comments section at sinabing ‘dasurb’ naman ng E-heads ang gano’ng ticket price.

Kasado na ‘to. Takits sa December?

Teka, okay na ba ‘yung issue ni Marcus Adoro? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio