Ticket sa mga laro ng Lakers, blockbuster na!

Ticket sa mga laro ng Lakers, blockbuster na!

July 4, 2018 @ 1:52 PM 5 years ago


NBA – ‘Selling like pancakes’ ika nga ang mga ticket sa laro ng Lakers para sa season ngayon ng NBA.

Kasunod ito ng pag-anunsiyo ng star player na si LeBron James ng paglipat sa Los Angeles Lakers.

Mabenta ang mga ticket kahit hindi pa naman tukoy kung sino ang makakalaban ng Lakers.

Dahil dito, agad ding tumaas ang presyo ng mga ticket sa Staples Center na homecourt ng koponan kung saan pumalo na sa $5,750 o halos P300,000 ang dating presyo nito na $3,500 o P175,000 lang.

Ayon kay Scott Jablonski, StubHub general manager na incharge sa ticket na malaki talaga ang naging impact ni James sa mga laro sa NBA. (Remate News Team)