Ticket sa mga pantalan gagawing ‘automated’ sa 2021

Ticket sa mga pantalan gagawing ‘automated’ sa 2021

September 19, 2020 @ 9:44 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Gagawin nang automated ang pagbili ng ticket sa lahat ng pantalan bilang bahagi ng mga bagong hakbang kasabay ng patuloy na kinakaharap na pandemya sa darating na 2021, ayon sa Philippine Ports Authority.

“Napakaganda ng panahon na ito para we could immediately roll out the system. So there will not be any disturbance sa biyahe nila,” lahad ni Jay Santiago, General Manager ng PPA.

Dito ay hindi na kakailanganin pang pumila sa harap ng teller kundi ilalaga na lamang sa makina ang mga impormasyong kailangan.

treOras na kumpirmado na ang detalyeng inilagay, maglalabas ng ticket ang makina na may QR code.

Maaari ring mag-book online at i-print ang ticket tulad ng ginagawa sa mga airline.

Hakbang din anila ito upang maiwasan na ang mga fixer. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...