Tier 1 status ikinatuwa ng DFA

Tier 1 status ikinatuwa ng DFA

July 30, 2022 @ 4:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ikinatuwa ng gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nitong Sabado ang pagpapanatili ng Manila sa Tier 1 ranking sa State Department Trafficking in Persons (TIP) report kamakailan.

Ang Tier 1 ang pinakamataas na rating sa four-tier classification ng TIP, na nangangahulugan na ang pamahalaan “continued to demonstrate serious and sustained efforts” laban sa trafficking.

“The Philippines reaffirms its commitment to the promotion and protection of human rights, and its Tier 1 ranking acknowledges its relentless and comprehensive efforts to prevent trafficking in persons, protect victims, and prosecute the perpetrators of this heinous crime,” pahayag ng DFA.

“The 2022 Trafficking in Persons Report is an acknowledgment of the whole-of-government approach by the DFA and the Inter-Agency Council Against Trafficking in their pursuit to proactively prevent trafficking in persons.”

Sinabi ng departamento na patuloy na makikipagtulungan ang Manila sa mga katuwang sa civil society at sa international community upang  paghusayin ang mga polisiya, batas at mekanismo  upang mabawasan at tuluyang wakasan ang mga krimen ng trafficking sa mga indibidwal. RNT/SA