TIGAS NI PMGEN. ROMEO CARAMAT MASUSUBUKAN

TIGAS NI PMGEN. ROMEO CARAMAT MASUSUBUKAN

March 3, 2023 @ 1:19 AM 4 weeks ago


KAMAKAILAN, ipinatawag ni Speaker Martin Romualdez sina ang tagapamuno ng Department of the Interior and Local Government at ng Philippine National Police sa isang pagpupulong.

Hindi ginagawa ng House Speaker ang magpatawag ng mga pinuno ng ahensyang humahawak ng kaayusan at kapayapaan kaya naman para sa inyong lingkod ay “unusual” na aksyon ng mambabatas mula sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa source ng Chokepoint, nababahala si Romualdez sa lumalalang krimen, lalo na sa mga nangyayaring ambuscades na ang mga target ay mga lingkod-bayan.

At take note PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., hindi lang si Speaker Romualdez ang hindi natutuwa sa mga nangyayari kaugnay sa ‘peace and order’ ng bansa subalit maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ay nabubwisit na rin.

Siguradong may basbas ni Pangulong Bongbong ang ginawang pagpapatawag ni Rep. Romualdez sa mga pinuno na pinangunahan ni Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at Azurin, pero sapantaha lang ito ng ating source. He! He! He!

Napag-uusapan na rin ang tumitinding kriminalidad sa bansa, kung may dapat manguna sa laban sa mga krimen, ito ay ang ahensiyang pinamumunuan ngayon ni PMGen. Romeo Caramat na ‘primary unit’ ng PNP na ang mandato ay pangunahan ang ‘war against all forms of criminality’ mula investigation hanggang operation laban sa mga halang ang kaluluwa.

Posible kayang mapaimbestigahan ni Caramat ang ilang lumalabag sa motto ng PNP na “to serve and protect” dahil sa sinasabing mismong nasa tanggapan niya ang mga taong bumabastos at sumasalaula sa batas?

Huwag na sanang hintayin pa ng heneral na ang kanyang mga tauhang abusado lalo na sa lungsod ni Mayor Honey Lacuna ay maisumbong sa Integrity Monitoring and Enforcement Group na posibleng magsagawa sa mga ito ng entrapment operation.

Si Caramat ay kilalang matigas ang paninindigan, galit sa mga scalawags o tinatawag na “bad eggs” in police service kaya masusubukan ang kanyang tigas laban sa mga ayaw tumino na mga miyembro ng kanyang pamunuan.

General Caramat, nag-aabang ang Chokepoint sa iyong aksyon.