TIGBAKAN SA TRABAHO SA MGA HIGH TECH NA KOMPANYA

TIGBAKAN SA TRABAHO SA MGA HIGH TECH NA KOMPANYA

January 20, 2023 @ 1:29 AM 3 weeks ago


SUNOD-SUNOD ang mga kompanyang high techonology sa pagsibak sa marami nilang manggagawa.
Pinakahuli ang Microsoft na magtatanggal ng 10,000 mula sa 221,000 kabuuang manggagawa nito.

Nauna rito, nandiyan ang Amazon na nagsibak ng 18,000 mula sa 1.5 milyon nitong obrero.
Ang cyber-security companya na Sophos, nagtanggal ng 450 mula sa 4,500 obrero.

Nasa 11,000 naman ang tinanggal ng Meta o Facebook mula sa halos 72,000.

Sinibak naman ni Ellon Musk ang nasa 3,700 na obrero mula sa 7,500 obrero.

Lahat ng mga kompanyang ito, lumaki ang bilang ng mga obrero noong kasagsagan ng pandemya.

Noong pandemya, dumami ang nangailangan ng mga gadget at internet na gawa o nanggaling sa mga high tech na kompanya kaya lumaki ang bilang ng kanilang mga obrero.

Isa pa, sinasabing kailangan nang maging high tech ang lahat kaya pinarami rin ang mga obrero para gumawa ng mga gadget at palawakin ang internet at dapat lang sanang lalong lalago ang empleyo rito.

Pero ngayon ay nauuso ang sibakan, mga brad.

Sa hanay ng mga empleyado rito, sinasabing naglalaro sa P200,000 kada buwan ang sahod ng mga obrero sa mga high tech na kompanya.

At nakapanghihinayang kung obrerong Pinoy ang masisibak dahil okay na ang nasabing sahod para sa mga pangangailangan ng isang pamilya at pagmumulan ng pag-unlad.

Ang mga graduate rin sa mga high tech na kurso, saan kaya sila hahantong sa ganitong kalagayan?