Tigil-drug war probe pormal nang hiniling ng Pinas sa ICC
March 15, 2023 @ 6:48 AM
2 weeks ago
Views: 127
Remate Online2023-03-15T07:32:02+08:00
MANILA, Philippines – Pormal nang hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na bawiin ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na muling buksan ang imbestigasyon sa brutal na anti-drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos na maghain ng apela ang Office of the Solicitor General (OSG) noong Marso 13, at muling iginiit na ang Hague-based tribunal ay walang hurisdiksyon dahil ang gobyerno ng Pilipinas ay nag-pull out sa Hague-based tribunal noong 2019.
Pinahintulutan ang ICC Prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon sa “Situation in the Philippines” para sa mga krimeng ginawa kaugnay ng war on drugs. Nangyari ang mga sinasabing krimen noong miyembro pa ang Pilipinas, na binanggit na ang mga kaso sa loob ng panahon ng Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019 ay isasama sa imbestigasyon.
Ang OSG, na binanggit ang legal na batayan, ay nagsabi na may mga kundisyon na dapat matugunan bago maganap ang imbestigasyon.
-
Dapat ay mayroong referral ng Estado o sa kasong ito, ang referral ng mga kaso ng gobyerno ng Pilipinas.
-
Dapat ding magkaroon ng referral mula sa United Nations Security Council at motu proprio prosecutor na pagsisiyasat o pagsisiyasat sa sarili nitong pagsang-ayon.
-
Ipinahiwatig din ng OSG sa maikling apela nito na ang mga kundisyon sa ilalim ng Artikulo 12 ay dapat matugunan, na kinabibilangan ng pagtanggap sa Estado ng pagsisiyasat. Kailangang sumang-ayon ang Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC Prosecutor.
Ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng OSG, ay humihiling sa ICC na suspindihin ang imbestigasyon habang nagpapatuloy ang apela; suspindihin ang awtorisasyon ng ICC na mag-imbestiga; at upang matukoy na ang Prosekusyon ay hindi awtorisado na magsagawa ng imbestigasyon.
Noong Enero 2023, sinabi ng ICC na pinahintulutan nito ang muling pagbubukas ng isang pagtatanong sa digmaan laban sa droga. RNT
March 26, 2023 @8:13 AM
Views: 2
MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang motorized wooden vessel na kargado ng hindi dokumentadong sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon.
Ayon sa BOC-POZ, nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) ang bangkang “Jungkong” noong Marso 21 sa dalampasigan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Lulan ng barko ang apat na crew members mula sa Parang, Sulu at nagmula sa Jolo, Sulu patungong Zamboanga City.
Sa pagsisiyasat, bigong makapagpakita ng legal na dokumento ang mga crew ng barko.
“The 141 master cases of cigarettes were apprehended in violation of Section 117 of R.A. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Executive Order Number 245 entitled Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products,” pahayag ng BOC.
Inaasahan na ang warrant of seizure and detention mula sa Port of Zamboanga.
Samantala, nangako naman si BOC Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy na lalabanan ng ahensya ang mga magtatangka pang magpuslit sa kanilang mas pinalakas na anti-smuggling campaign sa bansa. RNT/JGC
March 26, 2023 @8:00 AM
Views: 27
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Sugar Regulatory Administration (SRA) chief David Thaddeus Alba nitong Sabado, Marso 25, ang mga ispekulasyon laban sa kanyang pagbibitiw sa pwesto.
Sa pahayag, sinabi ni Alba na nagbitiw siya sa pwesto upang maalagaan ang kanyang kalusugan at magpagaling.
“In as much as I would like to serve the industry, its stakeholders, the President, and most importantly the Filipino people, the duties and responsibilities of being acting administrator have taken a negative toll on my health and family life,” paliwanag ni Alba.
“I am taking this opportunity to dispel any other interpretations and speculation regarding my resignation and to make it clear that it stems from purely health-related reasons. Had I been in better health, I would gladly continue with the responsibility entrusted to me by President Ferdinand R. Marcos Jr.,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Alba kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapaglingkod sa kanyang administrasyon, maging ang pagtanggap sa kanyang resignation.
“I wish the next administrator the best, and I hope that gains and programs we have achieved for the sugar industry will continue long into the future,” dagdag niya.
Matatandaan na sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyerhes na sinabihan ni Alba si Executive Secretary Lucas Bersamin tungkol sa pagbibitiw niya sa pwesto noong Miyerkules.
Sa direktiba ng Pangulo, iiral ang resignation ni Alba sa Abril 15 upang maihanda ang ipapalit sa kanyang pwesto.
“We urge former administrator Alba to come out and speak his truth. We urge others to come out if they have information as well. Baka kung hindi, you will be left holding the bag,” giit naman ni Senador Risa Hontiveros.
“Many sugar insiders believe that this is a clear sign that Mr. Alba has seen that SRA is only being used as a rubber stamp to legitimize the preferential treatment given to all Asian and the other two importers. The circumstances seem to suggest that,” aniya.
“Basta ang alam natin, sa kabila ng pressure ng Department of Agriculture (DA), ay hindi pumirma si Administrator Alba sa sugar release order para sa mga smuggled na asukal na nakaipit pa rin sa port of Batangas. Mabuhay siya!” pagdidiin pa nito.
Nanalangin din si Hontiveros para sa mabilis na paggaling ni Alba sa kasalukuyang health condition.
Matatandaan na bago ang pagbibitiw ni Alba sa pwesto, nagkaroon ng kontrobersiya sa ahensyang hinahawakan niya matapos ang importasyon ng 400,000 metric tons ng asukal. RNT/JGC
March 26, 2023 @7:55 AM
Views: 14
Manila, Philippines – Hurt people hurt people.
Muli naming narinig ang mga katagang ito mula kay Yassi Pressman.
‘Ika nga, ang orihinal na pinagmulan nito ay si Ogie Alcasid bilang pang-unawa sa mga bashers.
Yassi echoes the same line sa gitna ng pambabash sa kanyang nakababatang kapatid na si Issa.
Nitong March 17, wari’y inamin na rin kasi ni James Reid ang relasyon nila ni Issa.
This was even before they were sighted holding hands.
Ayon nga kay James, “I’m the happiest I’ve ever been.”
Naging mitsa tuloy ito para paratangang si Issa raw ang third party sa hiwalayan nina James at Nadine Lustre.
Year 2020 noong mag-split ang former live-in couple.
Pero nilinaw ni James that Issa didn’t cause the breakup between him and Nadine.
In fact, James and Issa’s friendship goes a long way back.
Siyempre, no sibling will ever take this sitting down.
Pero ayaw daw makisali pa ng ate ni Issa na si Yassi sa hate culture.
Doon niya ginamit ang famous “Hurt people hurt people” line ni Ogie.
Ayon kay Yassi, unawain na lang daw ang mga bashers dahil baka meron silang problemang pinagdadaanan.
Short of saying na kahit ano pang pangungumbinsi ang gawin mo for the bashers to believe your story ay wala ring epekto.
Paniniwalaan ng mga ito ang gusto nilang paniwalaan.
Kung ayaw pa nilang maniwala sa paliwanag ni James, so be it.
Mukha namang isang masunuring kapatid si Issa who trusts her elder sister’s wisdom. Ronnie Carrasco III
March 26, 2023 @7:50 AM
Views: 19
Manila, Philippines – May kakambal na creepy feeling para kay Rey Valera ang gumawa ng pelikula inspired by one’s life.
Tingin kasi ng singer-songwriter, ang pelikulang Kahit Maputi na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) ay angkop lang sa taong namayapa o nag-aagaw-buhay.
Hindi raw akalain ni Rey na magkakaroon ng interes na gawan ng pelikula ang buhay niya.
An official entry to the Summer Film Festival, ang gaganap bilang Rey ay si RK Bagatsing.
Take note, tambak pala ito ng sanrekwang artista!
Anyway, since Rey dabbles into writing songs ay may inialok pala siya kay Rico J. Puno na awitin para i-record.
Ito ‘yung Ako Si Superman, pero flatly ay tinanggihan ito ni Rico.
Rico wanted Rey to sing it instead, and luckily ay ang kantang ‘yon ang dahilan kung bakit pumaimbulog ang karera ni Rey.
Sa isang banda, may mga komposisyon din daw si Rey na pinagsisisihan niya.
Yes, Rey was not exactly proud of his song Kung Tayo’y Magkakalayo.
Paano raw kasi, nilalapitan si Rey ng mga tao para sabihin lang sa kanya na dahil ‘yun ang theme song nila’y nagkahiwalay sila.
Siyempre, it pains Rey to know na sa halip nga naman magsilbing inspirasyon ang kanyang mga awitin, ‘yun pa ang dahilan ng pagkawasak ng kanilang relasyon.
But on a positive note, special mention para kay Rey ang awitin niyang Malayo Pa Ang Umaga.
Aniya, para raw ‘yon sa bansa which he earnestly hopes na umunlad.
And he’s not giving up on his hope to see our nation progress.
Ang lahat ng kwento sa likod ng kanyang mga awitin ay nalaman ng mga nanood sa special screening ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
Pero kung may hindi natalakay ni Rey ay ‘yun ang maugong na rivalry nila noon ni Freddie Aguilar.
May sort of intriga sa kanilang dalawa as to who was the better composer and more popular back then.
But at their age now, for sure ay water under the bridge na ‘yon! Ronnie Carrasco III
March 26, 2023 @7:40 AM
Views: 68
Manila, Philippines – Tila burado na kay Aljur Abrenica ang mga magandang alaalang dulot ng pakikipagtambal kay Kris Bernal.
Sa Season 4 ng Starstruck ng GMA noong 2006 naging produkto sina Kris at Aljur.
May limang teleserye rin silang pinagsamahan.
But all these years ay inamin ni Kris na loveteam lang talaga sila.
In a way daw ay pinaplastik nila ang kanilang mga fans who thought there was more to their screen partnership.
As Kris termed it, pag kaharap na raw ang mga tagahanga nila’y “Sweet-sweetan kami pero ang totoo, nag-aaway kami.”
Kung bakit hindi raw sila nagkatuluyan ni Aljur ay dahil na rin daw kay Kris.
Aniya, “Siguro, naramdaman ni Aljur na hindi ako interesado sa kanya.”
But are they friends?
“Half,” matipid na sagot ni Kris.
Panay raw kasi ang pandededma sa kanya ni Aljur who does not reply to her messages.
Ang layunin lang naman daw ni Kris ay para yayain ang dating ka-loveteam na mag-collab sa pagba-vlog.
Anyway, Kris is on her fifth month ng kanyang pagdadalantao.
Married to Perry Choi na isang negosyante, if siya raw ang masusunod ay baby girl ang nais niyang isilang.
Naadik si Kris sa lumpiang toge noong naglilihi siya.
With Aljur naman, tiyak na ang kawalan ng oras nito para replayan siya has a lot to do with giving all his time to AJ Raval na missing in action din these days. Ronnie Carrasco III