Tigil-operasyon ng PNR, nakatakda sa Mayo

Tigil-operasyon ng PNR, nakatakda sa Mayo

February 28, 2023 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Magsisimula na ang limang taong tigil-operasyon ang Philippine National Railways (PNR) sa Mayo, sinabi ni PNR general manager Jeremy Regino.

Ayon kay Regino, unang hihinto ang operasyon ang biyaheng Alabang papuntang Calamba.

Pagsapit ng Oktubre ay hihinto naman ang Tutuban patungong Bicutan o Tutuban hanggang Alabang at Governor Pascual mula Malabon hanggang Tutuban.

Samantala, sinabi ni Regino na maaari pa ring ilipat ang mga petsa para sa paghinto ng operasyon.

Ang operasyon ng PNR ay pansamantalang ititigil upang bigyang-daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Inaasahan namang maapektuhan ang 30,000 commuters sa pansamantalang pagsasara ng PNR.

Sinabi ni Regino na gumagawa sila ng mga alternatibong paraan ng transportasyon sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, at mga lokal na pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni LTFRB Tech Division head Joel Bolano na ang mga jeepney at bus ay gagamitin para dagdagan ang pangangailangan sa transportasyon ng apektadong commuters. Jocelyn Tabangcura-Domenden