Tigil-pasada sa Lunes, tuloy na tuloy na!

Tigil-pasada sa Lunes, tuloy na tuloy na!

March 3, 2023 @ 7:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itutuloy at kasado na ang nakatakdang tigil-pasada simula Lunes, Marso 6 ng grupong Manibela bilang protesta nila sa public utility vehicle (PUV) modernization program.

Ani Mar Valbuena, pangulo ng grupo sa panayam ng TeleRadyo, tuloy ang transport strike sa kabila ng pagpapalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa deadline ng pagsali sa kooperatiba ng mga drayber sa programa, mula Hunyo patungong Disyembre 31.

“Ngayon pa lang humihingi na tayo ng paumanhin sa ating mga kababayan, eh sana maintindihan ninyo na naiintindihan po namin kayo na mahirap pong maglakad, mahirap sumakay, pero sa amin mahirap din po na wala kaming kabuhayan para sa aming pamilya,” pahayag ni Valbuena.

Sa naunang anunsyo, inaasahang tatagal ng isang linggo, o hanggang Marso 12 ang itinakdang tigil-pasada na karamihan sa mga drayber ay namamasada sa Metro Manila.

Samantala, nagpulong na ang Metro Manila Council para sa gagawingjeep paghahanda ng mga alkalde ng iba’t ibang lungsod sa rehiyon sa magiging epekto ng tigil-pasada sa mga mananakay. RNT/JGC