TikTok account ng BI, pinasinayaan vs traffickers

TikTok account ng BI, pinasinayaan vs traffickers

March 7, 2023 @ 5:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang sarili nitong TikTok account para balaan ang publiko hinggil sa posibleng job scams online.Ā 

Ito ay kasunod ng cryptocurrency job scam syndicates na gumagamit umano ng video sharing app para mangalao ng mga aplikante.

Halos walong Pilipino ang nahikayat gamit ang TikTok, Facebook, at messaging app na Telegram na magtrabaho para sa online scamming at catfishing syndicate isa n Cambodia, kung saan tiniis nila ang corporal punishment kapag hindi sila nakakapanloko ng mga kliyente.

ā€œWala pong sayawang mangyayari sa TikTok na ā€˜to,ā€ pahayag ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval.

ā€œMore of information dissemination kasi ngayon itong mga illegal recruiters, itong mga human traffickers are really using social media, ā€˜tong TikTok, Facebook, mga social messaging accounts kagaya ng Telegram to recruit the young urban professionals,ā€ paliwanag niya. RNT/SA