TikTok hindi iba-ban sa Pinas

TikTok hindi iba-ban sa Pinas

August 4, 2020 @ 4:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang ligaya ng TikTok-ers.

Ito ay matapos na sabihin ng Malakanyang na wala itong nakikitang dahilan para i-ban ang Chinese video-sharing app na TikTok sa Pilipinas dahil sa security issues.

Ang popular app ay dumaan sa ilalim ng masusing pagsisiyasat matapos na magbanta si United States President Donald Trump na ilalagay ito “out of the business” sa Amerika.

Ito ay dahil umano na kumokolekta raw ang TikTok ng personal na datos na maaaring magkaroon ng access ang Chinese government at gamitin ito para sa intelligence collection at iba pang kadahilanan.

Sa kabilang dako, walang nakikitang dahilan ang administrasyong Duterte na i-ban ang app.

Si Sec. Roque ay gumamit din ng TikTok app.

“Wala pong dahilan na nakikita para i-ban ang TikTok dito sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque.

“Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang TikTok, ay isang app na pinapayagan ang users na mag-share ng mga creative video, ay sumailalim sa masusing pagsisiyasat sa ilang bansa gaya ng Australia at Japan dahil sa security issues.

Kamakailan ay na-ban din ito sa India.

Bukod kay Sec. Roque, ay gumamit din ng TikTok app si Cabinet Secretary Karlo Nograles. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...