Tiktok ni Joshua na dinaplisan ang kargada, nag-viral!

Tiktok ni Joshua na dinaplisan ang kargada, nag-viral!

January 22, 2022 @ 1:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Parang hiyang-hiya si Joshua Garcia sa latest Tiktok n’ya kung saan ay pinasadahan n’ya ang crortch n’ya! Pero naka-3.4 million views na ito nu’ng mismong araw na ipinost n’ya nu’ng January 18.

Sumayaw siya ng free-form sa saliw ng kantang “Call Me.” Sa pagbungad ng Tiktok n’ya, parang ‘di ito magiging sexy dahil balot na balot ang buong katawan n’ya: naka-hoodie siya.

Nang sumayaw na siya at kumilos nang pababa ang kaliwang kamay n’ya, bigla n’yang pinasadahan ang parang malusog na harap n’ya.

Tapos nu’n ay sumubsob na siya at tapos na ang performance.

Ang resulta nga, makalipas ang ilang oras lang ay 3.4 million views.

Ganadong puna ng isang netizen: “Could this be part of his new image for 2022? It’s like he’s being groomed for a bad boy image. He’s daring! But it’s okay.”

Baka sa susunod n’yang Tiktok ay bawasan na n’ya ang kasuotan n’ya. Abangan!  Danny Vibas