TikToker Rosmar, aminadong crush si Dingdong!

TikToker Rosmar, aminadong crush si Dingdong!

December 23, 2022 @ 7:47 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Kontrobersiyal ngayon ang TikToker at CEO ng Rosmar Skin Essential na si Rosemarie Tan. For the record ay meron siyang 13million followers sa TikTok at 600k followers sa Instagram.

Yes, totoong sikat na social media influencer si Rosmar.

Tanong namin, kung sakaling kukuha si Rosmar ng endorser para sa kanyang product, sino ang naiisip o gusto niya?

“Kung ako ang tatanungin, siyempre ang childhook crush ko na si Dingdong Dantes,” natatawang sabi ni Rosmar.

Ang RSE ni Rosmar ay hindi lang skin clinic para sa mga babae kund pwede rin ito sa mga lalaki. Kaya naisip ni Rosmar si Dingdong.

And in fairness naman sa aktor, bukod sa gwapo ay may maganda siyang kutis.

Nakita na ni Rosmar ng personal si Dingdong.

“Noong bata pa ako, 4 years old ako, may tour sa Lucena si Dingdong. Nanood ako tapos noong nakita niya ako, binuhat niya ako,” pagbabalik-tanaw ni Rosmar.

“Tapos noong sumali ang kapatid ko sa Philippine Youth, nandoon s Dingdong, nakita ko ulit siya.”

Milyonarya na si Rosmar sa edad na 28.

Sa kanyang TikTok live ay nagla-live selling si Rosmar, at minsan ay umaabot sa 20 million pesos ang sales sa 3 oras na live.

O, ‘di ba bongga?

Laking pasasalamat ni Rosmar sa kanyang pamilya, supporters at maging sa kanyang bashers. Rommel Placente