“Tila sinabotahe ako ng PATAFA” – Obiena

“Tila sinabotahe ako ng PATAFA” – Obiena

December 15, 2021 @ 12:28 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Filipino pole vaulter EJ Obiena na sinasabotahe siya ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Juico sa kanyang pagsabak sa Tokyo Olympics.

Sa ginawang hearing sa House committee on youth and sports development, sinabi ni Obiena na naghihinala siya na tila sinasabotahe ito sa kanyang balakin na makakuha ng gintong medalya noong Olympics.

Sa kanyang kwento, sinabi nitong may pagkakataon na hindi man lamang siya nakonsulta sa pagpili kung sino ang bubuo ng kanyang koponan sa gagawing pagsabak sa Olympics.

Bukod pa umano rito ay mali ang nabiling kagamitan ng PATAFA na agad na nasira ilang linggo bago ang pagsabak nito sa Tokyo, Japan.

Matatandaang inakusahan ni Juico si Obiena na pineke ang mga reimbursement ng bayad sa coach nito noon pang 2017.JC