Tim Connor, may patama sa mga Marites!

Tim Connor, may patama sa mga Marites!

August 16, 2022 @ 7:40 PM 2 months ago


United Kingdom – Dawit ang British-Thai na si Tim Connor sa paratang na adultery na inirereklamo ni Victor Consunji, ang estranged husband ni Maggie Wilson.

Nauna nang binansagang rubbish o basura ni Tim ang akusasyon ni Victor linking him to Maggie.

Sumunod nito ay ang kanyang pakiusap na siya na lang daw ang puntiryahin sa halip ang estranged couple.

Nitong August 14 ay nagpost si Tim ng patutsada laban sa mga Marites.

Ang terminong Marites ay tumutukoy sa mga taong tsismoso na laging nakaantabay kung ano ang latest na balita tungkol sa ibang tao.

Kalakip ng post ni Tim ay larawan niya na nakaharap sa laptop, presumably taken in United Kingdom.

Halatang seryoso ang mukha ni Tim kung paanong hindi niya idinaan sa biro ang kanyang post.

Aniya, “If gossip ( tsismis) were an international sport, the Philippines would win medal after medal.”

Obyus na hindi sanay si Tim na ma-expose sa tsismis lalo’t hindi naman totoo.

Itinanggi rin kasi ni Maggie ang akusasyon ni Victor na may ugnayan sila ni Tim.

Maggie later accused Victor of being unfaithful to her.

Nag-ugat ang buong isyu nang paalisin ng mga tauhan ni Victor sa kumpanya nito si Maggie sa kanyang tinitirhan noong nakaraang buwan.

Inalmahan ni Maggie ang paraan ng pagpapatalsik sa kanya sa kawalan ng proper documents to warrant her eviction. Ronnie Carrasco III