Timberwolves inabo ng Blazers

Timberwolves inabo ng Blazers

April 2, 2019 @ 12:49 PM 3 years ago


Minneapolis – Umupo na rin sa ikatlong pwesto ang Portland Trail Blazers sa Western Conference matapos ang matagumpay nilang pagdomina sa laban kontra Minnesota Timberwolves, 132-122, ngayong Martes (Manila time).

Ang Blazers ay tabla na ngayon sa puntos ng Houston Rockets sa record na 48-28.

Pinangunahan ni Rodney Hood ang Portland sa 21-points habang si Enes Kanter ay nagpakawala rin ng 20 points at 11 rebounds.

Samantala, si Andrew Wiggins naman ang nanguna para sa Minnesota sa iskor na 21 points at inambagan ni Gorgui Dieng ng 18.

Hindi naging madali ang pag-abot ng Blazers ng panalo gayong kahit nanguna sila ng 19 puntos sa unang dalawang kwarter, nakabawi rin ang Timberwolves sa ikatlong kwarter ng laban. Gayunpaman, hindi pa rin nagpadaig ang Blazers na natalo sa Detroit nitong Sabado, tumapos sa anim na magkakasunod nilang panalo.

Susunod na kakalabanin ng Blazers ang Memphis habang ang Timberwolves ay susubukang patumbahin ang Dallas sa Miyerkules./Remate News Team