‘Timeout’ ‘di pa kailangan – doctors group

‘Timeout’ ‘di pa kailangan – doctors group

March 15, 2021 @ 9:39 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hindi pa kailangan ng “timeout” para sa mga health worker sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Philippine College of Physicians.

“Even if we have almost the same number of cases, I would like to believe that the way the government is dealing with this problem right now is better to the one we had last year. We still don’t have any plans of asking for a time out, but we are open to communicating with the government,” saad ni PCC Regent Dr. Nemencio Nicodemus Jr.

Aniya walang “integrated approach” ang gobyerno sa pagtaas ng COVID-19 cases nitong nakaraang taon kaya’t humiling ang mga health worker ng timeout.

“Mabuti’t nakinig ang pamahalaan, kaya nagkaroon ng mas magandang approach sa paglutas sa COVID,” ani Nicodemus.

Para naman kay Infectious diseases specialist at PCP treasurer Dr. Rontgene Solante na may dalawang rason kaya’t hindi nanawagan ng mas mahigpit na lockdown ang grupo.

“One, we have been used to managing our patients with COVID. It’s been several months now, and most of us have already adapted to this way of life. Second, we are more prepared now, we know the more important things in clinical management,” lahad ni Solante.

Ngunit nababahala pa rin ang grupo sa pagtaas ng kaso ng sakit.

”The sad reality, we see a lot of them in severe stages. Ito ang mga kababayan natin who have to be intubated, and of course, some eventually die because of these cases. We, in the medical community, are worried about the rising numbers of COVID cases, but we do our best to make sure we provide them the health care they need to recover,” giit ni Nicodemus.

Ilang ospital na sa Metro Manila ang puno na katulad ng Quezon City General Hospital.

Pinuri naman ni Solante ang mga lokal na pamahalaan sa mga aksyon upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

“The point of battle now is not just in the hospitals, but also in the LGUs where contact tracing, active case finding and granular lockdowns will really be an important step and determinant on how people will get the infection,” aniya.

Nakikita rin ng mga eksperto na ang pagiging kampante ng publiko ang nagdudulot ng patuloy na pagtaas ng bilang ng sakit.

“Probably the variant can be a factor… But if you look at the number of those tested for these variants, medyo konti pa naman… But I think ang importante pa rin is ang mobility, crowding and non-adherence to (minimum health protocols),” punto ni Solante. RNT/ELM