Timetable para sa special elections sa ika-7 distrito ng Kabite, itinakda ng Comelec

Timetable para sa special elections sa ika-7 distrito ng Kabite, itinakda ng Comelec

October 15, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang timetable para sa espesyal na botohan sa susunod na taon sa ika-pitong distrito ng Cavite, para punan ang nabakanteng posisyon matapos mahirang bilang Kalihim ng Department of Justice si Jesus Crispin Remulla.

Batay sa Comelec Resolution No. 10848, gaganapin ang espesyal na halalan sa Pebrero 25, 2023, araw ng Sabado.

Ang paghahain ng Certificates of Candidacy ay sa Disyembre 5 at 6 habang ang election period ay mula Enero 26 hanggang Marso 12, 2023.

Ang panahon ng kampanya ay tatakbo mula Enero 26 hanggang Pebrero 23.

Itinakda ng resolusyon ang pagboto mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ang pagbibilang at canvassing ng mga boto ay isasagawa kaagad pagkatapos ng pagsasara ng botohan, ayon sa Comelec noong Sabado.

Ang lahat ng kandidato ay dapat maghain ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures nang hindi lalampas sa Marso 10, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden