Timor-Leste wakwak sa Azkals

Timor-Leste wakwak sa Azkals

December 12, 2021 @ 11:20 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hiniya ng Philippine Azkals ang bansang Timor-Leste nang talunin nila ito sa iskor na 7-0 sa umiinit ng hostilidad sa AFF Suzuki Cup 2020 na ginanap sa National Stadium sa Singapore.

Nagtapos ang laban at walang kahit isang goal ang naipasok ng Timor-Leste.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa Group A ng tournament kasunod ng 2-1 na pagkatalo sa host Singapore sa kanilang opening game noong Miyerkules.

Unang naka-goal para sa Azkals si Martin Steuble sa ika-21 minuto ng laro at sinundan ng goals mula kay Amin Nazari at Angel Guirado.

Pagsapit ng ika-40 minuto, naka-isang puntos si Patrick Reichelt para sa ika-apat na goal.

Pero bago matapos ang first half naka-goal pa si Jesper Nyholm at sinundan pa ng isang goal ni Bienve Marañon na kanyang kauna-unahang goal sa Pilipinas para iposte ang 6-0 lead.

Sinelyuhan ni Kevin Ingreso ang panalo nang umiskor sa second half sa tiyempong ika-78 minuto.

Sunod na haharapin ng Azkals sa crucial match ang Thailand sa Disyembre 14.JC