Tinamaan ng COVID, Abalos ‘di muna nagpakita sa LEDAC meeting

Tinamaan ng COVID, Abalos ‘di muna nagpakita sa LEDAC meeting

October 10, 2022 @ 7:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang personal appearance si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa kauna-unahang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa isang text message, sinabi ni Abalos na nagpositbo kasi siya sa COVID-19.

Ani Abalos, kagabi pa Oktubre 9 ng alas-9:12 ng gabi, nang dumating resulta ng kanyang RT-PCR kaya hindi na aniya siya tumuloy sa LEDAC meeting sa Malakanyang ngayon, Oktubre 10.

“I am currently at home in isolation and working remotely while strictly following recommended protocols, including health and safety procedures,” ayon kay Abalos sa isang kalatas.

“I am grateful to have been fully vaccinated with booster. I am asymptomatic and feeling well as of the moment,” wika pa nito.

Samantala, inatasan naman ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) na kagyat na gumawa ng contact tracing para ipaalam sa kanyang mga direct contacts kabilang na iyong mga dumalo sa press conference araw ng Linggo sa Camp Crame ang kanyang kalagayan.

“I am also humbly appealing to everyone who I came across over the past two days to monitor yourselves for COVID-19 symptoms and promptly get tested and isolate away from others once symptoms develop,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose