‘Tinang 83’, mga taga-suporta tumangging sumagot sa ‘bungkalan’ incident

‘Tinang 83’, mga taga-suporta tumangging sumagot sa ‘bungkalan’ incident

June 17, 2022 @ 2:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumangging dumepensa ang 83 Hacienda Tinang farmers at kanilang mga taga-suporta nitong Biyernes laban sa mga kasong ikinasa laban sa kanila sa Capas, Tarlac Regional Trial Court, batay sa kanilang mga abogado nitong Biyernes.

Ikinasa ang reklamong malicious mischief at illegal assembly laban sa 83 akusado sa pagsasagawa ng “bungkalan” sa Hacienda Tinang upang gunitain ang anibersaryo ng  pagpasa sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) law noong Hunyo 10.

“Tapos na arraignment and an overwhelming majority of the Tinang 83, when asked by the court how they would plea, have manifested, I am being harassed by state, I refuse to enter a plea,” ani Atty. Erickson dela Cruz, co-counsel para sa mga akusadong kilala bilang Tinang 83.

“The court then entered a plea of not guilty for these accused,” dagdag niya.

Inihayag naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang suporta para sa Tinang farmers at kanilang mga taga-suporta sa pag-apela na ibasura ang lahat ng reklamo laban sa kanila.

“The baseless charges and accusations against the farmers and advocates remain. The installation of the Tinang farmers to the lands awarded to them remains stalled and undone. The quest for justice continues,” sabi ng grupo.

“We insist: Planting food is not a crime and supporting farmers is not a criminal act.”

Nauna nang sabihin ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipinagpaliban ang distribusyon ng lupain sa mga magsasaka na benepisyaryo ng Hacienda Tinang saklaw ng CARP dahil sa mga isinampang kasolaban sa kanila at kanilang mga taga-suporta.

Nag-isyu ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa halos 236 Tinang farmers noong 1995, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakakamit ang lupang ipinangako sa kanila. RNT/SA