Tinapay vendor patay sa P115 na utang

Tinapay vendor patay sa P115 na utang

July 3, 2022 @ 2:17 PM 1 month ago


TANTANGAN, South Cotabato – Patay ang isang tinapay vendor matapos pagbabarilin ng suspek dahil umano sa utang ng una sa huli nitong Biyernes sa nasabing probinsya.

Kinilala ang biktimang si Brene Oremo Baladjay, 27-anyos at residente sa Prk. Masagana, Brgy New Lambunao, Tantangan South Cotabato.

Batay sa report ng Tantangan Police Station, naganap ang krimen sa Purok Maharlika, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, bigla na lamang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Paniniwala ng pulisya nagkaroon nagtanim umano ng galit ang suspek sa biktima dahil utang P115.

Sa ngayon hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek para gagawin imbestigasyon at pagsasampa ng kaso. Mary Anne Sapico