Tinatayang P7.752M ‘shabu’ nasabat sa Taguig

Tinatayang P7.752M ‘shabu’ nasabat sa Taguig

December 26, 2022 @ 10:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasabat ng mga awtoridad ang P7.752 milyonf halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig City.

Naganap ang insidente sa Barangay Maharlika Village, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sinabi ng mga pulis na namataan nila ang suspek na kinilalang si alyas Raks na may hawak na sako.

Nang makita umano sila ng suspek, binitawan niya ang sako at agad na tumakas.

Nakuha ng nga pulis ang sako at na naglalaman ng Chinese teabags, isang weighing scale, plastic bag, at talong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit isang kilo.

Nagsasagawa na ang nga pulis ng follow-up operation para mahuli ang suspek. RNT/SA