Tindahan ng medical supplies, nasunog!

Tindahan ng medical supplies, nasunog!

September 29, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P11 milyon ang halaga ng napinsala sa sunog sa isang medical supplies sa Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Nagsimula ang sunog alas-10 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Ayon sa Manila Fire Department, inabot ng apat na oras ang sunog na tuluyang naapula ala-1:33 ng madaling araw.

Tumagal ang sunog dahil puno ng gamit na madaling masunog at magliyab ang ikalawang palapag ng tindahan tulad ng alcohol, mga bulak, latex gloves, at mga kutson ng kama.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden