Tindahan ng mga pekeng insecticide, sinalakay ng NBI

Tindahan ng mga pekeng insecticide, sinalakay ng NBI

November 6, 2022 @ 12:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang mga tindahan ng mga counterfeit insecticides sa makakahiwalay na operasyon sa Pampanga at Tarlac.

Ayon sa NBI, umaabot sa P200,000 halaga ang nasamsam na imported insecticide mula China na ibinibenta sa merkado.

Mapapansin umano na peke ang naturang produkto dahil ang canister ng orihinal ay mas matingkad kaysa sa kulay ng mga counterfeit.

Bukod dito ang mahalagang detalye tulad ng expiration date ay walang nakalagay sa mga pekeng insecticides kumpara sa orihinal na naka-indicate ayon kay NBI deputy spokesperson Atty. Gertrude Paris Manadeg.

Babala ng NBI, malaki ang dulot na panganib ng mga pinekeng insecticides dahil hindi batid kung ano ang mga raw materials na inilagay rito.

Umabot sa 30 kahon ng insecticides ang nakumpiska ng NBI habang ang mga may-ari ng mga tindahan na sinalakay ay posibleng maharap sa kaukulang kaso na may kaugnayan sa pagbebenta ng counterfeit na produkto. Jocelyn Tabangcura-Domenden