Tindahan ng paputok sa Bocaue, masusing ininspeksyon ng PNP Chief

Tindahan ng paputok sa Bocaue, masusing ininspeksyon ng PNP Chief

December 8, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Bulacan – Personal na ininspeksyon ni PNP Chief PGEN Rodolfo S. Azurin ang mga tindahan ng paputok para sa kaligtasan ng publiko at muling pagyabong ng negosyong ligal na paputok Bocaue o fireworks capital ng bansa.

Kasama ni Azurin na nag-inspeksyon sina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, Bocaue Mayor Jon Jon Villanueva, Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo at ilang opisyal ng mga mamumutok, bandang 2:11 ng hapon nitong Huwebes, Disyembre 8 sa Brgy. Turo.

Dunalo rin sina Central Luzon Police director PBGEN Cesar Pasiwen at ilang mataas na opisyal ng PRO3 sa lugar.

Tinalakay ng mga ito ang kasiguraduhan ng publiko, pagregulate sa naturang paggawa ng paputok at pagyabong ng negosyo ng mga ligal na paputok.

Hindi rin umano tumitigil ang mga awtoridad sa pagpapaalala o tamang impormasyon tungkol sa paputok para sa publiko, inspeksyon, imbentaryo, pagtugis sa mga iligal na pagawaan at tindahan ng paputok.

Ayon kay Azurin, hangad niya sa publiko na walang masaktan sa mga paputok sa selebrasyon ng kapaskuhan at darating na pagsalubong sa bagong taon.

Wala naman nakitang mga iligal na paputok maliban sa may tatak na chinese characters na umanoy ligal naman sa naturang inspeksyon sa lugar.

Kaugnay nito, ilan sa ipinagbabawal, malalaks at mapaminsalang paputok ay ang Goodbye COVID, Kwiton Bomb, Kwiton parachute, Kwiton bomb, Goodbe Bading, Kabasi, Bin Laden, Coke in Can, Goodbye Philippines at Giant atomic. Dick Mirasol III