Tindang biko ni Ariel, patok sa Canada!

Tindang biko ni Ariel, patok sa Canada!

July 13, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


Ontario City, Canada – Biko, anyone?

Siguradong magugustuhan ng mga biko o kakanin lovers ang gawang biko ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen kung paanong blockbuster ito sa Canada.

Yes, the celebrity couple is into selling homemade biko, pero for sale lang ito sa Ontario City, Canada.

Lolo Ben’s ang label nito na ang recipe ay mula sa ama ng singer-actor.

Sa Ontario naka-base ang mga anak nilang sina Julio at Joaquin who are both in school.

Sa tuwing binibisita nila ang mga ito, sinusulit ng mag-asawa ang kanilang stay by tending their biko business.

Taong 2022 lang nang simulan nila ang nasabing negosyo.

Pati sina Julio at Joaquin ay tumutulong na rin.

Kapwa busy sina Ariel ar Gelli sa pagluluto ng biko, na ibinebenta nila sa mga sakop ng GTA o Greater Toronto Area.

The original flavor costs $18 o P900 samantalang ang may langka costs $20 o P1,100.

And yes, ang dating Kilabot ng mga Kolehiyala ay isa na ngayong Biko King!

Incidentally, Ariel plays Onats in GMA’s afternoon drama The Fake Life opposite Beauty Gonzales.

Wonder kung nagdadala si Ariel ng biko sa set. Lol! Ronnie Carrasco III