Tindera patay sa ambulansya

Tindera patay sa ambulansya

May 14, 2022 @ 9:35 AM 1 month ago


QUEZON PROVINCE – Patay ang isang tindera ng gulay matapos itong mahagip ng humaharurot na ambulansiya sakay ng kanyang motorsiklo, Biyernes sa bayan ng Sariaya.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Tanyang, 32-anyos, residente ng Brgy. Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek at driver ng ambulansya na kinilalang si Romualdo Alcala, 53-anyos, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Sariaya-PNP, dakong 7:10 PM naganap ang insidente sa Bypass Road, Brgy. Tumbaga 1, Sariaya, Quezon.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ng biglang mag-overtake si Alcala dahilan para masalpok siya nito.

Sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang biktima sa motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek. Mary Anne Sapico