Tindero ng isda na nanggahasa, nalambat!

Tindero ng isda na nanggahasa, nalambat!

October 15, 2022 @ 12:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang most wanted person dahil sa salang panggagahasa sa Valenzuela ang nasakote ng pulisya ng lungsod sa Cavite matapos ang halos pitong taong pagtatago.

Nalambat ng mga alagad ng batas ang tindero ng isdang si Francis R. Ofialda, 36, binata, ng St. Jude St , Gawaran, Barangay Molino 7, Bacoor, Cavite.

Dinakip ang suspek noong Oktubre 13 sa Barangay Molino 7, Bacoor, Cavite sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Nancy Rivas-Palmones, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong Nobyembre 28, 2016 para kasong rape.

Si Ofialda ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Valenzuela City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon. Merly Iral