Tinedyer tiklo sa P.3M tobats

Tinedyer tiklo sa P.3M tobats

January 23, 2022 @ 4:53 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sa karsel humantong ang isang tinedyer na nakumpiskahan ng lagpas P.3M halaga ng shabu sa operasyon kontra droga sa Caloocan City Sabado ng hapon.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Daryl Santos, 19.

Nasakote ang suspek sa harap ng isang mall sa Rizal Avenue, ng lungsod malapit sa Bonifacio Monument Circle dakong alas-5 ng hapon.

Nakuha sa pag-iingat ng dinakip ang 50 gramo ng shabu na may presyong P340,000 at isang cell phone. Merly Iral