TINGNAN: 11th OFW and Family Summit sa Las Pinas, dinagsa

TINGNAN: 11th OFW and Family Summit sa Las Pinas, dinagsa

November 18, 2022 @ 6:29 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Libo-libo ang dumagsa sa 11th OFW and Family Summit ngayong araw, Nobyembre 18 na ginanap sa The Tent sa Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Ang nasabing summit na bukas para sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers at mga pamilya nito, ay inaasahang magbibigay ng pagkakataon na makatuklas ng iba pang opportunidad na maaring pagkakitaan katulad ng pagnenegosyo at iba pang investments.

Ang lahat naman na nakapagparehistro ay may pagkakataong manalo ng house and lot, motorsiklo, grocery package, at iba pang papremyo.

May mga booth din dito para sa mga problema ng mga OFWs upang sila ay agarang matulungan maging ang iba pang mga job opportunities sa ibang bansa.

Dumating sa naturang okasyon si Senador Cynthia Villar, Congresswoman Camille Villar, OWWA Administrator Arnel Ignacio , DMW Secretary Susan Toots Ople, mga representative mula sa Department of Argiculture, DFA, DOLE, DTI, SSS, PAGIBIG, TESDA at ibang opisyal ng gobyerno.

Sa naging pahayag ni Cong. Camille Villar, nakakatuwa umano na isipin na ito na ang ika-11 taon ng OFWs and Family Summit kung saan marami nang mga natulungan sa aktibidad na ito. Cesar Morales