Pagpasa sa National Land Use Act, pinasusuportahan ni Zubiri

February 3, 2023 @3:49 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Pinasusuportahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Senador Cynthia Villar ang pagasa sa National Land Use Act, na nakabinbin lang sa Kongreso ng mahigit dalawang dekada na.
“We have to convince them that it is necessary to finally come up with the National Land Use Act,” sinabi ni Zubiri sa isang multistakeholder forum na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“Why? Kasi (Because) we will be able to delineate what is for forest land, what is for housing, what is for industrial parks, and for agriculture.”
Layon ng National Land Use Act na bumuo ng national land-use authority na hahawak sa isang national land-use plan upang iklasipika ang mga sumusunod na lupa ayon sa gamit nito:
– protection (for conservation), – production (for agriculture and fisheries)
-settlements development (for residential purposes),
-infrastructure development (for transportation, communication, water resources, social infrastructure).
Ani Zubiri, hihilingin niya kay Villar na siyang umuupo sa committee on environment, natural resources, and climate change ng Senado na pag-usapan na ito.
Ang panukalang batas ay isa sa mga priority bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isa sa mga layunin ng panukala ay ang proteksyon sa mga agrikultural na lupa para sa food production activities.
Nagpahayag naman ng pagtutol sa National Land Use Act si Villar kung saan matatandaan na nagkainitan pa sila ni Senador Raffy Tulfo sa deliberasyon ng Senado sa proposed 2023 budget ng Department of Agriculture Nobyembre noong nakaraang taon.
Ipinunto ni Tulfo na lumiliit na ang mga sakahan dahil ginagawa na itong subdivision, commercial at residential lands.
Idinepensa naman ito ni Villar, na kilalang may negosyong may kaugnayan dito, at sinabing hindi sila bumibili ng mga agricultural land sa mga probinsya.
“We limit ourselves in cities and capital towns,” aniya. RNT/JGC
Turn-over ng housing units sa Bataan sinaksihan ni Sen. Go

February 3, 2023 @3:36 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa Orion, Bataan, kung saan sinamahan niya ang isang team mula sa National Housing Authority sa turnover ng housing units sa mga nasunugan sa Bataan Village Phase 1 sa Brgy. Daang Pare.
Dati nang bumisita si Go at personal na nagbigay ng tulong sa nasabing mga biktima ng insidente ng sunog noong 2019.
“Ilan sa mga benepisyaryo ng pabahay na ito ay mga biktima ng sunog na nauna nang natulungan ng aking opisina noong 2019. Binalikan natin sila ngayon upang kumustahin at nakatutuwa naman na ang ilan sa kanila ay may sariling maayos na tirahan na,” ani Go.
Pinuri ng senador ang lokal na pamahalaan ng Orion, ang Department of Human Settlements and Urban Development sa pamumuno ni Secretary Jerry Acuzar at ang National Housing Authority para sa kanilang sama-samang pagsisikap na maglaan ng housing unit sa kabuuang 216 benepisyaryo na nawalan ng tirahan.
“Ito na ho ‘yung pagkakataon ninyo na makapagserbisyo sa bayan… yung iiwan n’yo pong tulong, ‘yung legasiya sa mga mahihirap po ay hindi po malilimutan ng ating mga kababayan,” sabi ni Go.
“Hindi lang po dito sa Bataan kung hindi sa buong bansa. Unahin n’yo po ‘yung mga mahihirap. Susuporta po ako doon sa programang Pambansang Pabahay,” dagdag niya.
Upang matugunan ang pangangailangan para sa de-kalidad ngunit abot-kayang pabahay sa buong bansa, muling iginiit ni Go ang kanyang panawagan na maipasa ang kanyang mga panukala, ang Senate Bill Nos. 192 at 426.
Ang SBN 192, o mas kilala bilang Rental Housing Subsidy Program, ay layong mabigyan ng sapat at matitirhan ang mga Pilipinong apektado ng sakuna.
Sa ilalim ng panukala, bubuuin ang isang programa sa pabahay at proteksyong panlipunan upang mabigyan ang mga biktima ng kalamidad ng mas abot-kayang access sa pormal na pabahay sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya sa pagpapaupa na ibinibigay ng gobyerno.
Sa kabilang banda, ang SBN 426 o ang iminungkahing National Housing Development, Production and Financing (NHDPF) Program ay patataasin ang produksyon ng pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng stakeholders.
Ang panukalang batas ay magbibigay garantiya sa access at abot-kayang sistema ng pagtustos sa pabahay para sa mga informal settler sa bansa.
Ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang mga kalakip nitong pangunahing ahensya sa pabahay ay paiigtingin ang pagpapatupad ng programa ng NHDPF.
“Medyo ambitious itong bills na ito pero sana pagdating ng panahon, sana magkaroon ng oportunidad na magkaroon ng sariling bahay ang bawat isa o bawat Pilipino lalo na ang mahihirap. Sila ang unahin natin,” sabi ni Go.
“Hangarin natin na wala nang maging squatter sa sarili nilang bayan,” dagdag niya.
Noong araw ding iyon, sinaksihan din ni Go ang groundbreaking ng Oval Sports Facility at nag-inspeksyon sa isang evacuation center at barangay hall sa Limay, Bataan kung saan tinulungan din niya ang ilan sa mga residente.
Nagsagawa rin siya ng inspeksyon sa Limay viewdeck.
Matapos nito ay nagtungo siya sa Mariveles kung saan siya dumalo sa ribbon-cutting ceremony para sa Super Health Center sa nasabing bayan. Tinulungan din niya ang mga residente sa Mariveles. RNT
Heart, inuurot na magbuntis na, wapakels!

February 3, 2023 @3:30 PM
Views: 13
Manila, Philippimes – Totoo ang kasabihang: “You cannot please everybody” sa kaso ni Heart Evangelista.
Nabanggit ng aktres ang tindi ng pressure sa kanya na magbuntis sa artikulo sa Mega Magazine published nitong February 1.
Palagay ni Heart, nanggagaling ang pressures na ‘yon with her shift sa kanyang buhay.
Hate daw niya ‘yon kung kaya’t, “I just wanted to do things that I really wanted. And I did!”
Mabuti na lang daw at nariyan ang asawang si Senator Chiz Escudero who she believed was afraid for her, na baka hindi raw niya kayang lampasan ang mga pinagdadaanan niya.
“But I survived it!” pagmamalaki ni Heart.
Ngayon daw ay patuloy pa rin daw siyang nakakaranas ng pressure from certain people.
But she’s doing her own thing, “If they don’t get it, then they don’t get it.”
Nasa punto raw ngayon si Heart that she couldn’t care less.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga kapwa mambabatas ni Chiz ang nanumbalik na ngiti at magandang aura nito.
Ang nagagawa nga raw naman ng second chances na deserve ng senador sa maayos na pagsasama nilang muli ni Heart.
Matatandaang ang nabubuhay pa noon na si Senator Miriam Defensor-Santiago ang naging instrumento sa pagpapakilala kina Chiz at Heart sa isa’t isa.
For sure, saan man ngayon si Santiago ay natutuwa siya para sa couple. Ronnie Carrasco III
745 aftershock naitala sa Davao quake

February 3, 2023 @3:23 PM
Views: 17
MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mahigit 700 aftershock ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Davao de Oro noong Miyerkules, Pebrero 1.
Sa pinakahuling ulat, sinabi ng Phivolcs na mayroong 745 aftershock ang naitala hanggang nitong alas-8 ng umaga, araw ng Biyernes, Pebrero 3.
Isa lamang ang naramdaman sa lugar sa mga naitalang pagyanig, kung saan naglalaro ito mula magnitude 1.3 hanggang 3.6.
Samantala, ibinalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mayroong 16 katao ang nasaktan at may ilang mga gusali ang napinsala dahil sa naturang lindol. RNT/JGC
Phoenix nakakuha ng unang panalo sa Governor’s Cup

February 3, 2023 @3:16 PM
Views: 14