TINGNAN: Bio-diversified project, inilunsad sa Navotas!

TINGNAN: Bio-diversified project, inilunsad sa Navotas!

October 21, 2022 @ 3:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pormal na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), TESDA, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Navotas.

Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle para sa mga bumbero sa lungsod.

Bilang paunang mga binhi ng proyekto, pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagtatanim kasama ang iba pang mga opisyal katulad ng mga gulay na lettuce at sili.

Sinimulan din sa naturang aktibidad ang pag-aalaga ng mga isda tulad ng tilapia.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan