TINGNAN: Bong Go, namigay ng tulong sa mga nasunugan sa Malabon

TINGNAN: Bong Go, namigay ng tulong sa mga nasunugan sa Malabon

October 22, 2022 @ 12:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa inisyatibo ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, patuloy ang suporta at tulong na natatanggap ng mga kababayang naapektuhan ng naganap na sunog sa Brgy. Tonsuya at Santulan.

Kabilang na dito ang personal na pagpunta doon ni si Senador Bong Go upang magpaabot ng tulong gaya ng pagkain, groceries at hygiene kits sa mga pamilyang apektado.

Nagbigay din ang kanyang tanggapan katuwang ang Department of Social
Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance sa 138 benepisyaryo upang matulungan silang makabangon sa kanilang pamumuhay.

Kabilang sa dumalo sa programa sina Cong. Jaye Lacson-Noel, Coun.
Nadja Vicencio, Coun. Edward Nolasco at Brgy. Captain Jenny Loquez.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan at Cesar Morales