TINGNAN: Byahe ng PNR pansamantalang naantala

TINGNAN: Byahe ng PNR pansamantalang naantala

November 2, 2022 @ 11:02 AM 1 month ago


TINGNAN: Pansamantalang naantala ang byahe ng mga tren ng Philippine National Railroad (PNR) Miyerkules ng umaga, Nobyembre 2.

Sa abiso ng PNR, naantala ang biyahe dahil sa insidente na pagkadiskaril ng tren malapit sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa, Maynila.

Dahil dito, naapektuhan ang mga biyahe mula Tutuban papuntang Alabang, Bicutan, at Biñan gayundin ang pabalik nito.

Sa abiso naman ng PNR, muling bumalik ang kanilang operasyon bago mag-alas-8:00 ng umaga kung saan humingi sila ng pang-unawa sa publiko.

Matatandaan na ngayong umaga ay may special trips ang PNR trains sa mga lugar na ligtas na daaanan matapos manalasa ang bagyong Paeng.

Larawan kuha ni Crismon Heramis