TINGNAN: Epekto ng lindol sa Senado

TINGNAN: Epekto ng lindol sa Senado

December 7, 2022 @ 6:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bilang pag-iingat sa Magnitude 5.3 na lindol na tumama sa Camarines Norte na naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, inilikas muna palabas ng gusali ng Senado ang mga Senador at mga empleyado nito pasado ala-1 ng hapon nitong Miyerkules, Disyembre 7.

Makalipas ang ilang sandali, nang humupa na ang lindol at masiguro na ang kaligtasan ay pinayagan na ang mga nagsilikas na mga tauhan pabalik sa loob ng gusali. RNT