TINGNAN: Kadiwa sa BPI dinumog

TINGNAN: Kadiwa sa BPI dinumog

January 18, 2023 @ 5:59 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinumog ng mga mamimili ang mura at abot-kayang paninda na ibinibenta sa Kadiwa Market na inilagay sa loob mismo ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa San Andres, Maynila.

Ngayong araw, Enero 18 ay binuksan ng Bureau of Plant Industry ang Kadiwa store upang makapag-alok ng murang produkto sa publiko tulad ng gulay, prutas, karne at isda.

Nagsimula ito alas-8 ng umaga at nagtagal hanggang alas-2 ng hapon o hanggang maubos ang mga bentang produkto. RNT