TINGNAN: Malabon City LGU namahagi ng tulong sa mga apektado ng malaking sunog

TINGNAN: Malabon City LGU namahagi ng tulong sa mga apektado ng malaking sunog

October 16, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Agad na nagtungo at namigay ng tulong si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Barangay Tonsuya ng naturang lungsod.

Namigay ang lokal na pamahalaan ng food packs, tubig, banig, mga hygiene kit, at portable tent para sa pansamantalang
matutulugan ng biktima ng sunog.

Nangako naman ni Mayor Sandoval sa mahigit 100 pamilya na naapektuhan
ng sunog ng agarang tulong upang mabilis na makaahon sa kanilang pinagdaanang trahedya.

Matatandaan nagsimula ang sunog dakong 1:45 ng madaling araw ng Oktubre 16, 2022 sa Block 1 Damata , Brgy Tonsuya, Malabon City at wala namang naiulat
na namatay o nasugatan sa sunog batay sa inilabas na pahayag ng Bureau of Fire Protection.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan