TINGNAN: Mga dating rebelde, nagbalik-loob sa pamahalaan

TINGNAN: Mga dating rebelde, nagbalik-loob sa pamahalaan

December 26, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng ika-54 na Anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CCP) nitong Lunes, Disyembre 26 ay ipinarinig ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen Jonnel Estomo ang panawagan ni PNP Chief PGen Rodolfo Azurin Jr. sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko at manumpa ng katapatan sa gobyerno.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng kanilang pinuno na si Joma Sison, kung saan ay hinimok ng gobyerno ang mga kasapi ng CPP-NPA na talikuran ang armadong pakikibaka at bumalik na lamang sa mainstream ng lipunan upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

“Naniniwala kami na sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala at ideolohiya, isa kami sa pagtataguyod ng isang ligtas at progresibongkomunidad para sa aming mga anak at pamilya,” sabi ni Estomo.

Sa loob ng maraming dekada na pinamunuan ng self-exiled na ‘utak’ ng CPP-NPA na si Sison ay naging ugat umano ito ng isang malalang pagkasira ng impluwensiya at kakayahan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino.

“We never meant to ‘red tag’ anybody. We only call for peace and unity. This decade-long armed conflict has bring so much violence in our country already. It is high time to finally end this,move on, and unite towards ang ikabubuti ng bansang ito,” dagdag ni Estomo.

Kaugnay nito, limamput lima (55), sa ilang miyembro ng CTG ang pormal na tumalikod ng kanilang katapatan sa mga makakaliwang organisayon mula sa isang programang pinaunlakan ng NCRPO sa kaparehong araw kasama si Azurin bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Iba’t-ibang matataas na uri ng armas at pampasabog ang kasabay na isinuko ng mga sumukong rebelde sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. RNT