TINGNAN: MOA signing ng itatayong bagong dialysis center sa QC!

TINGNAN: MOA signing ng itatayong bagong dialysis center sa QC!

November 17, 2022 @ 1:29 PM 2 weeks ago


TINGNAN: Nagsagawa ng memorandum of agreement (MOA) signing sina Dir. Gloria J. Balboa ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) kasama sina Quezon City Fourth Dist. Rep. Marvin Rillo at QC Councilor Nanette Castelo Daza, para sa itatayong bagong Dialysis Center sa Barangay UP Campus at Barangay Dona Imelda, ng nabanggit na lungsod sa isang seremonyang idinaos nitong Huwebes, Nobyembre 17.

Sa oras na matapos ang Dialysis Center, magbibigay ito ng libreng serbisyo hindi lamang sa mga residente ng ikaapat na distrito ng Quezon City kundi maging sa mga residente ng karatig-lungsod.