TINGNAN: P488 Noche Buena challenge ng KMU

TINGNAN: P488 Noche Buena challenge ng KMU

December 14, 2022 @ 5:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Namalengke at tiningnan ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno at Kilos Na Manggagawa kung talagang posible ang P500 o P488 na badyet bilang handa ng pamilyang Filipino sa Noche Buena.

Ito ay makaraang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga produktong maaaring mabili sa murang halaga para sa mga panghanda.

Nitong Miyerkules, Disyembre 14 ay nagtungo ang mga miyembro ng dalawang grupo sa Nepa Q-Mart sa Cubao, Quezon City dala ang listahan na ito.

Bilang pagtatapos, umabot sa P575 ang inabot na gastos ng mga namili na sobra umano sa computation ng ahensya. RNT