TINGNAN: Pagdiriwang ng anibersaryo ng NBI

TINGNAN: Pagdiriwang ng anibersaryo ng NBI

November 9, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ngayong araw, Nobyembre 9 ng National Bureau of Investigation ang kanilang ika-86 na anibersaryo na may temang “NBI @ 86 Resilient Towards the Challenges and Demands of the Times”.
Dinaluhan ito ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa 86th Founding Anniversary Celebration ng ahensya.

Ayon sa NBI, ito ay dalawang araw na pagdiriwang ng anibersaryo simula ngayon hanggang Nobyembre 10 na ginanap sa Diamond Hotel, Roxas Boulevard, Lungsod ng Maynila.

Isang thanksgiving mass din ang ginanap bago ang formal anniversary program kung saan magkakaroon ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE).

Kaugnay ng pagdiriwang na ito, gaganapin din ang Service Awards para bigyang pagkilala naman ang mga lalaki at babae na empleyado ng NBI na nakamit ang kanilang mga kahusayan sa serbisyo.

Bukas ay magkakaroon naman ng Wreath Laying sa Wall of Honor sa NBI Taft Avenue, Manila, bilang parangal sa mga NBI Agents at Special Investigators na namatay sa tungkulin.

Dadaluhan ang naturang event ng mga matataas na opisyal ng ahensya kasama ang pamilya ng mga namatay na bayani ng NBI. Crismon Heramis