TINGNAN: Paghahanda sa Undas 2022

TINGNAN: Paghahanda sa Undas 2022

October 19, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng mga tindero ng kandila para sa papalapit na Undas 2022.

Sa larawan, makikita na inilalagay na ang wax sa mga bilog na hulmahan na ititinda para sa mga residenteng dadayo sa mga sementeryo upang dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Maliban dito, nagsisimula na rin maglagay ng dekorasyon sa Halloween ang ilang mga establisyimento katulad ng antique shop at milk tea shop sa Quezon City.

Matatandaan magkakaroon ng long-weekend sa Undas makaraan ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala na ring pasok sa Oktubre 31, araw ng Lunes.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan, Val Leonardo at Danny Querubin