TINGNAN: Paghahanda sa #Undas2022

TINGNAN: Paghahanda sa #Undas2022

October 14, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines –  Nilinis at inalis ng mga tauhan mula sa Valenzuela Clean and Green Division ang mga putik, tuyong dahon at ibat-ibang basura na nakatambak sa loob ng Karuhatan Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Bukod sa Karuhatan Cemetery ay mag-iikot pa sa ibat-ibang sementeryo sa lungsod ang mga naghahakot ng basura upang matiyak na malinis ang paligid dahil tiyak na dadagsain ito ng mga dadalaw sa mga puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan