TINGNAN: QCPD nagkasa ng Community Run sa ika-83 anibersaryo

TINGNAN: QCPD nagkasa ng Community Run sa ika-83 anibersaryo

November 20, 2022 @ 4:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kaugnay ng selebrasyon ng ika-83 founding anniversary sa Nobyembre 25, nagkasa ngayong araw ang Quezon City Police Department (QCPD) ng kanilang Police Community Run for a Cause sa QCPD Grandstand, Camp
PMGen Tomas B Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Ayon kay QCPD District Director PBGEN Nicolas Torre III, ang naturang aktibidad ay kick-off ceremony ng isang lingggong selebrasyon ng kanilang anibersaryo na may temang: “QCPD Tagapaglunsad ng Serbisyong may Malasakit, Patnubay ng Kaayusan at Kapayapaan, Kaagapay tungo sa Kaunlaran, Katuwang ang Simbahan at Pamayanan ng Lungsod Quezon”, na naglalayong maisulong ang pagbabayanihan sa hanay ng mga pulis at ng komunidad.

Samantala, kaugnay ng Community Run for a Cause, layon ng programang ito na matulungan ang pamilya at dependents ng mga Warriors, Operators, Liberators Foundation (WOLF) Charity Movement sa pamamagitan ng scholarship grants.

“As part of the mission of QCPD, this run will benefit the families and dependents of Warriors, Operators, Liberators Foundation (WOLF) Charity Movement through scholarship grants. Aside from raising money for a worthy cause, this activity is not only beneficial to our life’s aspects but it also enhances our social interaction with the community”, ani Torre. RNT/JGC