TINGNAN: Rehabilitasyon sa Tugatog Cemetery sa Malabon, nagpapatuloy!

TINGNAN: Rehabilitasyon sa Tugatog Cemetery sa Malabon, nagpapatuloy!

October 24, 2022 @ 2:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binisita ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang Tugatog Public Cemetery upang malaman ang sitwasyon para sa nalalapit na
Undas.

Sa ngayon ay hindi muna pinapayagang mapuntahan ang sementeryong ito dahil sa patuloy na isinasagawang rehabilitasyon.

Mahigpit namang ipinatupad ang proper labeling, tagging at documentation sa bawat labi.

Ang lahat ng mga nakaselyong lagayan ng mga labi ay nilalagyan ng kaukulang ID tags para siguradong tama ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Pinaalalahanan naman ang lahat ng kamag-anak ng mga nakalagak sa
nasabing sementeryo na huwag ng magtungo upang matiyak ang kaligtasan
ng kalusugan ng bawat isa.

Makakaasa ang mga kaanak na gagawin ang exhumation process ng may
respeto sa mga labi na nakalibing sa pampublikong sementeryo.

Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Tugatog Public
Cemetery Redevelopment Help Desk.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan