TINGNAN: Rescue efforts ng PCG sa Basilan sa matinding baha

TINGNAN: Rescue efforts ng PCG sa Basilan sa matinding baha

January 11, 2023 @ 5:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Cast Guard (PCG) ang mga residente sa Barangay Matibay, Lamitan City, Basilan.

Ayon sa PCG Station Basilan, binaha ang naturang lugar na malapit sa tabing-ilog dahil sa patuloy na pag-ulan.

Humigit-kumulang 25 residente ang inilikas, kabilang ang dalawang sanggol at isang buntis, gamit ang Coast Guard rubber boat.

Inihatid sila sa pinakamalapit na evacuation center para makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden