TIPS: Enjoyin lang ang condom

TIPS: Enjoyin lang ang condom

October 25, 2018 @ 8:02 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mahalaga ngayon ang proteksyon, lalo na sa mga hindi pa handa na magtimpla ng gatas at siyempre proteksyon din sa mga kumakalat na sakit.

Pero bakit nga ba marami pa rin ang hindi gumagamit ng condom? Sabi nga nila, para kang nangulangot nang may plastic ang daliri, ‘weird’ at hindi masarap.

Aminin natin na mas masarap pa rin talaga yung wala, kasi nga, damang-dama mo. Pero may paraan naman para enjoyin ang sex nang may proteksyon.

#1 ILAGAY HABANG MATIGAS

Kung may mga pagkain dapat kainin habang mainit, ganun din sa condom. Dapat itong ilagay habang matigas. Dapat yung sobrang tigas para hindi mahirap ilagay o magkamali ng lagay. Huwag kalilimutan na mag-iwan ng sobrang bahagi sa condom para sa ilalabas mong katas.

#2 LAGYANG PAMPADULAS

Dapat talaga may pampadulas.  Kahit may dulas na ito, dagdagan pa ito ng water-based o silicon lubricant. Huwag gagamit ng oil dahil masisira lang nito ang latex. Lagyan ng pinakamarami sa uluhang banda.

#3 MAG-EXPLORE

Mag-try ng iba’t ibang uri ng condom. May iba’t ibang texture ang mga condom, lasa at pakiramdam. Siguruhin mo na alam din ng iyong partner ang uri ng condom na gamit mo para hindi siya nabibigla.

#4 PADULASIN DIN ANG ENTRADA

Siguruhing bago ipasok, ay madulas na madulas na rin ang ari ng babae. Kaya naman ayon sa mga eksperto, mainam talaga ang foreplay lalo na kung gagamit kayo ng condom.

Ilan lang ito sa mga tips para ma-enjoy ang paggamit ng condom. Basta’s laging tatandaan na siguruhing bago at walang sira ang gagamiting condom para hindi tayo malusutan. (Remate News Team)